^

Police Metro

Pulis, angkas utas sa tandem

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang pulis at kaibigan nito matapos na pagbabarilin habang sakay ng isang motorsiklo ng mga suspek na sakay din ng isang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Daang Hari, Brgy. Pasong Buaya, Imus City, Cavite.

Ang nasawi ay nakilalang si  PO1 ­Richard Carluen, nakatalaga sa Cavite Provincial Public Safety Company  (CPPSC) sa Cavite Police Provincial Office sa  Camp Pantaleon Garcia, Imus, Cavite. Habang inaalam ang pagkaka­kilanlan ng angkas nitong lalaki.

Tumakas ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng mada­ling-araw ay sakay ang mga biktima ng single na motorsiklo at buma­bagtas ang nasabing lugar nang dikitan ng mga suspek na sakay din ng motor at pinagbabaril ang dalawang biktima.

Nang masigurong patay na ang dalawang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa insidente.

 

vuukle comment

BRGY

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CAVITE POLICE PROVINCIAL OFFICE

CAVITE PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

DAANG HARI

IMUS CITY

PASONG BUAYA

RICHARD CARLUEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with