MANILA, Philippines - Tinutugis ng mga otoridad ang 103 preso ng Tacloban City Jail na tumakas matapos na wasakin ng malaking alon o storm surge ang gate ng piitan na rumagasa sa lungsod sa kasagsagan ng pananalasa ng super bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.
Napag-alaman napilitan ang jail warden na buksan ang pintuan dahilan mamatay ang 676 na preso nang mapuno ng tubig na lagpas tao ang nasabing kulungan.
Gayunman sa halip na lumangoy patungo sa ikalawang palapag ng opisina ng warden ay tuluyan ng nagsitakas ang may 103 preso.
Ayon sa ulat ang iba sa mga preso ay nagsisuko habang nasakote naman ang karamihan sa mga ito matapos na kumpunihin ang mga nasira nilang bahay dahil sa bagyong Yolanda.