Solons umatras sa laban ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Nasa 12 na lamang na solons mula sa dating 70 ang nagpaalam kay House Speaker Feliciano Belmonte para manood ng laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquaio kay Mexican Brandon Rios sa Macau ngayong darating na linggo.
Dahil sa mas pinili na lamang umano ng karamihan ng mga kongresista na manood ng laban sa kani-kanilang mga bahay at i-donate na lamang sa mga biktima ng nasalanta ng bagyong Yolanda ang gagastusin nila sa panonood ng laban sa Cotai Arena sa Venetian Macau Hotel.
Maging si Belmonte ay nakatanggap din ng limang tiket mula kay Pacquaio, subalit hindi na rin ito magtutungo sa Macau at mas pinili na lamang tumulong sa relief and rehabilitation para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.
- Latest