Anti-political dynasty bill umusad na sa Kamara

MANILA, Philippines - Umusad na sa Kamara pagkatapos ng 12 taon ang  Anti-political dynasty bill nang makapasa sa House Committee on Suffrage and Electoral reforms House Bill  ang Anti-Political Dynasty Act of 2013.

Nakasaad sa panukala ang pagbabawal sa mga magkakamag-anak na tumakbo at makaupo sa anumang elective position sa gobyerno.

Sa ilalim ng panu­kala, hindi maaaring makaupo sa anumang halal na pwesto ang mga magkakamag-anak hanggang sa second  degree of consanguinity or affinity.

Nakasaad pa rito na ang Comelec ay maaa­ring umakto at i-deny ang anumang certificate of application ng mga nais kumandidato na magkakamag-anak. 

Ang pagkakaroon ng 2 o higit pang magkakamag-anak na nakaupo sa anumang elective post ay itinuturing na political dynasty sa ilalim ng panukala at hindi naman sakop ng panukala ang punong barangay at mga miyembro ng sangguniang barangay.

Sa kasalukuyan, ilan sa mga kilalang magkakamag-anak na nakaupo ngayon sa puwesto ay sina Pangulong Aquino at pinsang si Sen. Bam Aquino, Vice Pres. Jejomar Binay, at mga anak na sina Makati City Mayor Junjun Binay Congresswoman Abigail Binay at Senator Nancy Binay, magkakapatid na Senators Allan Peter at Pia Cayetano at Cong. Lino Cayetano at mi­sis ni Allan Peter na si Taguig City Mayor Lani Cayetano, mag-asawang Sen. Bong at Congw. Lani Revilla at anak na si Vice Gov. Jolo Revilla.

Show comments