900 pa bangkay narekober

MANILA, Philippines - Mahigit sa 900 pang bangkay ang narekober ng Task Force Commander  ng Cadaver Recovery Team  sa Tacloban City  matapos ang pananalanta ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni Bureau of Fire Region 8 Chief, P/  Sr. Supt. Pablito Cordeta, Chief ng Cadaver Recovery Team, noong Sabado ay nasa 780 ang bangkay na kanilang narekober at karagdagan pang 125 labi sa Tacloban City na pawang nagsisimula nang maag­nas kamakalawa hanggang kumagat ang dilim.

Sa panayam naman kay Captain Amado Gutierrez, Spokesman ng Army’s 8th Infantry Division, tatapusin na sa lalong madaling panahon ang search and retrieval team sa pagrekober sa mga bangkay pang nasawi sa bagyong Yolanda.

Show comments