Kelot nagmistulang buko ang ulo

MANILA, Philippines - Nagmistulang buko ang ulo ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na nabiyak makaraang  tagain sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dakong ala-1:30 ng hapon nitong Sabado nang masawi ang biktima na inilarawang nasa edad na 40-45, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng t-shirt at checkered na pantalon, may tattoo sa kaliwang braso ng “Jun Decal” habang sa kanang braso ay may tattoo na “Cassandra Natahniel April’

Sa imbestigasyon ni PO3 Abdol Aceveda, ng Manila Police District-Homicide Section,  ang  biktima ay namataan ni SPO3 Dante Fabro, ng Manila Traffic Enforcement Group na nakahandusay sa eskinita ng Tomas Mapua St., Sta Cruz, Maynila, bandang alas- 8:02 ng umaga.

Isinugod sa pagamutan ang biktima, kung saan nakita ang tatlong tama ng taga sa ulo na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Show comments