Manila water employee pinagsasaksak, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang empleyado ng Manila water makaraang pagsaksaksakin ng isang binatilyo sa gitna ng kanilang pagsusuntukan na naganap sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 JC Balbuena, may-hawak ng kaso, ang biktima na si Isidro Perata, 34, pipe fitter ng Manila water at residente sa Doña Nicasia, Puyat Subd., Barangay Commonwealth sa lungsod.

Tinutugis naman ngayon ng pulisya ang tumakas na suspek na si Mark Jhopet Oscariz, 18, alyas Payat ng nasabi ring lugar.

Nangyari ang insidente sa Samsung St., Doña Nicasia, Puyat Subdivision sa naturang barangay ganap na alas-11:00 ng gabi.

Ayon kay Victor Perata, kapatid ng biktima, nakita niya ang kapatid at suspek na nagsusuntukan sa lugar, kung kaya agad niyang inawat ang mga ito. Pero pumasok ang suspek sa kanyang bahay at kumuha ng patalim, saka sinaksak ang biktima.

Show comments