MANILA, Philippines - Niresbakan ang isang guro na tumangging magpagamit sa pandaraya sa barangay elections noong Oktubre 28 nang ito ay pagbabarilin kamakalawa sa Brgy. Danlugan, Buug, Zamboanga Sibugay.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at namatay noon din ay nakilalang si Gina Yosores, 45, guro sa Danlugan Elementary School at residente ng Purok 27, Brgy. Poblacion, Buug.
Ang suspek na kinilala ng mga testigo na nakakita sa ginawang pagbaril sa biktima ay si Freddie Puerto, 19.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng tanghali nang lapitan ng suspek ang biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril.
Sa salaysay ng mister ng biktima sa pulisya na ipinagtapat sa kaniya ng kaniyang misis na may tatlong lalaki umano mula sa kampo ng isang talunang kandidato ang lumapit sa kaniya at nag-alok ng pera para imanipula ang resulta ng barangay elections sa kanilang lugar.
Subalit, tumanggi ang kanyang misis at nagbanta ang mga suspek na may mangyayaring masama kapag natalo ang kanilang minamanok na kandidato.
Kaya’t sinabi ng puÂlisya na pulitika ang motibo nang pagpatay sa biktima.