Prof nagbigti sa iskul

MANILA, Philippines - Nagbigti sa kanyang opisina sa loob ng pinapasukang kolehiyo ang isang 47-anyos na professor kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Emmanuel Esumo ng Ma. Cristina St., Sampaloc, professor at head ng laboratory ng St. Jude College, na matatagpuan sa panulukan ng Don Quijote at Dimasalang St.,  Sampaloc.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga noong Martes nang bumulaga sa ilang kawani ang nakabigting biktima sa kanyang opisina.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-7:45 ng umaga noong Lunes sa lobby  ng entrance gate ng kolehiyo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.

Show comments