Ulo ng 2 parak binaunan ng bala
MANILA, Philippines - Dalawang pulis ang pinagbabaril at napatay sa magkahiwalay na insiÂdente sa Maynila at Malabon City kahapon ng umaga.
Sa Maynila, dead on the spot ang biktimang si SPO4 Antonio Castillo matapos na barilin sa ulo ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay nagsasagawa ng clearing operations ang biktima sa Ongpin St., Binondo, Maynila nang lapitan ng hindi pa kilalang suspek na bumaba sa motorsiklo at nilapitan ang biktima at binaril.
Hinala ng pulisya na posibleng niresbakan ang biktima ng grupo ng mga drug lord na nahuli ng tropa nito noong nakaraang buwan.
Agad na nagpalabas ng P500,000 reward si Manila Mayor Joseph Estrada para sa ikadarakip ng suspek.
Ganito din ang nangyari kay PO1 Felicisimo De Guia Jr., 39, nakatalaga sa PCP 4 ng Malabon City Police at residente ng #29-G, Gov. Pascual Avenue, Barangay Conception, Malabon City na binaril sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang bumibili ng kape kahapon ng alas-5:50 ng umaga sa kahabaan ng M.Naval St., ng lungsod.
Matapos ang pamamaÂril ay mabilis na nagsitakas ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo.
- Latest