Motel hinoldap ng nagpanggap na kustomer

MANILA, Philippines - Tiba-tiba ang nag-iisang holdaper na matagumpay na naholdap ang isang 3-star hotel matapos na magpanggap na kustomer at tutukan ng baril ang cashier nito na naganap sa Pasay City.

Ang suspek na nakilala sa “photo rouge gallery” ay si Billy Joseph Miranda, 25, ng no. 502 F. Cruz St., Malibay, ng naturang lungsod.

Sa ulat, pumasok sa Hotel Sogo-Wood Branch sa may L. Wood Street, Malibay, Pasay dakong alas-5:00  ng hapon ang nag-iisang suspek na nagpanggap na kustomer. 

Nang sitahin ng guwardiya, sinabi nito na may hinihintay lamang siya na kasama at ilang sandali ay nilapitan nito ang kahera na si Jeanefe Palicfic, 30-anyos, at tinutukan ito ng baril sabay deklara ng holdap. 

Dahil sa takot, napilitang ibigay ni Palicfic ang laman ng kaha na aabot sa P18,000.

Show comments