Ex-Colonel nagbaril sa ulo

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang 87-anyos na retiradong colonel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanyang buhay nang magbaril ito sa ulo sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Johnny Mendoza, ng 2727 Anacleto St. Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto ng apo nito na si Chippy Mendoza at nakuha sa tabi ng bangkay ang isang kalibre 22 at dalawang basyo nito.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-10:30 ng umaga.

Show comments