^

Police Metro

2 holdaper todas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi napakinabangan ng dalawang lalaki ang kanilang naholdap sa isang negosyante matapos na sila ay mapatay nang manlaban sa mga aarestong pulis sa San Fernando City, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Isa sa napaslang na suspek base sa identification card ay nakilalang si Ramil Bondoc habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng isa pa.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout bandang alas-4:45 ng madaling-araw sa kahabaan ng Dayrit St., New Public Market, Brgy. del Pilar ay hinarang ng 7 suspek na ang tatlo ay sakay ng owner type jeep habang ang apat ay sakay ng dalawang motorsiklo ang Isuzu Elf (XLR 326 ) na may markang Boboy Cora Fruits and Vegetables­  na sinasakyan ng negosyanteng si Corazon Gumabon-Sason, 41, ng Brgy. San Juan, Sta. Rita, Pampanga.

Tinutukan ng baril ng mga suspek ang ginang,  driver ng truck  na si Raymond de Jesus, 37; at ang pahinanteng si Jayson Libao, 23.

Agad nagdeklara ng holdap ang mga suspek sabay hablot sa bag ni Gumabon-Sason na naglalaman ng malaking halaga na ipamamakyaw sana nito ng panindang prutas at gulay sa Urdaneta, Pangasinan.

Napansin naman ng mga nagpa­patrulyang elemento ng pulisya ang komosyon kaya’t hinabol ang papatakas na mga suspek na agad nagpaputok na nauwi sa shootout na ikinasawi ng dalawa habang ang limang kasama ay nakatakas.

BOBOY CORA FRUITS AND VEGETABLES

BRGY

CORAZON GUMABON-SASON

DAYRIT ST.

ISUZU ELF

JAYSON LIBAO

NEW PUBLIC MARKET

PAMPANGA

RAMIL BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with