^

Police Metro

2 Lalaki pinatay ng Pulis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkasunod na bina­ril at napatay ng isang miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang isang security guard at isang taxi driver sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Danilo Landasan, 50, security guard ng AFM Watchman Protective Agency at Angelito Ber­nabe, 48, taxi driver, ng #78 Katuparan St., Barangay Batasan Hills lungsod ng Quezon.

Agad namang na­aresto ang suspek na si PO1 Joseph Kimayong, 29, miyembr­o ng SAF sa Sta.Rosa,  Laguna.

Batay sa ulat, ang unang­ insidente ng pamamaril ay naganap dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa binabantayang gusali ni Landasan na City Venture Bldg. na matatagpuan sa #16 East Avenue Magalang St., Brgy. Pinyahan.

Sa salaysay ng saksing si Alger Panoga, nagising siya sa pagkakatulog sa ingay nina Landasan at PO1 Kimayong sa main gate ng gusali at ilang sandali ay narinig niya ang isang putok ng baril hanggang sa lumabas si PO1 Kimayong.

Nakita niya na sumakay si PO1 Kima­yong ng pampasaherong bus, subalit  hindi pa nakakalayo ay bumaba ito ay pinara ang taxi (UVB-852) na minamaneho ni Bernabe.

Pagsapit sa East Avenue­ kanto ng BIR road ay nagkaroon ng pagtatalo ang da­lawa hanggang sa barilin ni PO1 Kimayong si Bernabe.

Tiyempo namang may nagpapatrulyang mobile patrol sa lugar at naabutan pa ang suspek na nadadaganan ng biktimang driver kaya’t ito ay  inaresto.

ALGER PANOGA

ANGELITO BER

BARANGAY BATASAN HILLS

BERNABE

CITY VENTURE BLDG

DANILO LANDASAN

EAST AVENUE

KIMAYONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with