1 utas sa bayad center holdap
MANILA, Philippines - Nabaril at napatay ang isang lalaki na bayaw ng may-ari ng isang bayad center nang makipagbarilan ito sa mga holdaper kamakalawa sa Caloocan City.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Pacific Global Medical Center dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Conrado Miranda, 43, ng General Luis St., Kaybiga ng lungsod.
Sa ulat, alas-2:30 ng hapon nang holdapin ng dalawang holdaper na sakay ng isang motorsiklo ang bayad center na pag-aari ng bayaw ng biktima na matatagpuan sa nasabing lugar at dito ay natangay ang P11,000 na kinita.
Nang tumakas ang mga suspek ay hinabol ito ng biktima at pinapuÂtukan, subalit hindi tinamaan.
Kaya’t gumanti ng putok ang mga suspek at tinamaan sa katawan ang biktima.
- Latest