MANILA, Philippines -Pinabulaanan ni Senator Jose “Jinggoy†Estrada ang kumalat na balita sa ilang social networking site katulad ng Facebook na inaresto siya sa San Francisco International Airport.
Sa isang text message na ipinadala sa mga reporters noong Lunes ng gabi, sinabi ng kampo ni Estrada na walang katotohanan ang napaulat sa www.sowhatsnews.wordpress.com at sa www.inagist.com na inaresto siya sa airport matapos magtangkang magpuslit ng malaking halaga ng salapi sa Amerika.
Si Estrada ay nagtuÂngo sa Amerika para samahan sana ang asawang si Precy upang humingi ng second opinion kaugnay sa bukol sa dibdib nito. Subalit umalis si Estrada noong Sabado ng hindi kasama ang asawa.
“My staff just called me at 5 a.m. to inform me that there is an article circulating that I have been arrested in the US for bringing in huge amount of US$. That is absolutely NOT TRUE,†nakasaad sa text message ni Estrada.
Nakasulat sa artikulo na pinigil ng mga airport officials si Estrada matapos mapuna ang “bulge†o nakabukol sa kanyang “upper bodyâ€
Ayon pa sa artikulo nang siyasatin ng mga otoridad ang katawan ng senador na tinatawag umanong “sexy senator†mula sa Pilipinas ay nakita ang bundles ng pera na nakatago sa kanyang “muscles†at “skinâ€.
Ipinahiwatig sa “satirical report†na ang pera ay mula sa mga FiliÂpino taxpayers.