Halloween costumes, nang-aakit ng ‘Diablo’

MANILA, Philippines - Nakapanghihikayat umano ng espiritu ng demonyo ang mga nakakatakot halloween costumes.

Ito ang binigyan diin ni  Fr. Francis Lucas  ng  Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP)  dahil ang pagsusuot ng mga nakatatakot na damit o customes partikular ang maskara ay  pagbibigay ng pagkakataon na makapasok si Satanas.

“Yung nagiging practice na nagmamaskara ng nakakatakot, ‘yung may nakasaksak sa leeg, puro evil eh, puro kasamaan, dalawang bagay ‘yan na parang ina-attract mo, sini-seduce mo ‘yung diablo, o kaya nagbubukas ka ng pinto, ‘Welcome to me,’” ani Lucas.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Lucas sa umano aktibong partisipasyon ng mga bata sa traditional  na “Trick or Treat.” Aniya, masyado pang mga bata ang mga  nagsasagawa nito, subalit puro negatibo naman ang  pinasasaisip at pinasusuot sa kanila.

Show comments