^

Police Metro

Babaeng puliswoman nagbaril sa Crime Lab

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory sa Camp Crame natagpuang patay ang isang babaeng police officer matapos umanong magbaril sa sarili kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP Spokes­man Sr. Supt. Wilben Mayor ang nasawing biktima na si Inspector Romelou Dime Medina, 35-anyos, may-asawa, miyembro ng Manila Police District Crime Laboratory at on the job trainee sa nasabing opisina.

Ayon kay Mayor, si Medina ay may tama ng bala ng cal. 9 MM sa kanang sentido na siyang kumitil sa buhay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-7:30 ng umaga nang ma­diskubre ni PO1 Rhea Rebaño ang nakasalampak na bangkay ng biktima sa finance section ng PNP-Crime Lab at natagpuan sa tabi ng bangkay ang isang cal. 9 MM pistol na nakaisyu sa nasabing opisyal na hinihinalang ginamit umano nito sa pagpapatiwakal. Patuloy ang imbestigasyon upang mabatid kung nag-suicide o aksidente ang pagkasawi ng biktima.

Ayon naman kay PNP Crime Laboratory Director P/Chief Supt. Liza Sabong, napakasakit sa buong tanggapan nila ang pagpapatiwakal ni Medina na wala naman silang nakitang kakaiba sa ikinikilos ng opisyal dahilan para ito ay magbaril.

Nagtapos si Medina ng Bachelor of Science in Criminology at pumasok sa PNP Crime Lab sa pamamagitan ng ‘lateral entry’ kung saan ay halos isang buwan pa lamang nag-OJT para higit pang ma­ging eksperto sa crime scene investigation.

AYON

BACHELOR OF SCIENCE

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIME LAB

CRIME LABORATORY

CRIME LABORATORY DIRECTOR P

INSPECTOR ROMELOU DIME MEDINA

LIZA SABONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with