MANILA, Philippines -Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaki na sakay sa tig-isang motorsiklo matapos itong makipagbarilan nang iwasan ang nakalatag na checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Ang dalawang napatay na lalaki ay walang pagkakakilanlan at inilarawan ang isa na nasa pagitan ng 20-25 ang edad, may taas na 5’5â€, nakasuot ng asul na t-shirt, asul na short pants at may tattoo na “Trio in one Mark 1†sa dibdib, tattoo sa kanang bewang at kanang likod na “Art Pochiâ€.
Ang ikalawa ay nasa pagitan ng edad 20-25; katamtaman ang katawan, may taas na 5’4â€, nakasuot ng pulang t-shirt at itim na short pants, may mga tattoo na “Rodriguez, Erick at Angela†sa dibdib at “Lloyd†sa likod.
Batay sa ulat, bago nangyari ang barilan dakong alas-12:50 ng madaÂling-araw sa may Araneta Avenue kanto ng Ma. Clara St., Brgy. Sto. Domingo ay nagsasagawa ng Oplan-Sita ang anti-carnapping unit sa Araneta Avenue, kanto ng BMA, Brgy. Tatalon nang maispatan ang dalawang lalaki na kapwa sakay ng kani-kanilang motorsiklo at walang suot na helmet.
Nang makita ang checkpoint ay umiwas ang mga ito ng direksyon kung kaya’t hinabol ito ng mga pulis at pagsapit sa natuÂrang lugar ay pinahinto ang mga ito.
Sa halip na sumunod ay nagbunot umano ang mga ito ng baril at nagpaputok.
Hindi tinamaan ang mga otoridad kung kaya’t gumanti rin ng putok na nauwi sa engkwentro
Ilang minuto ang naÂging palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang dalawang suspek na armado ng kaibre 22 na baril.
Narekober sa lugar ang may 16 na basyo ng kalibre 9mm na baril at dalawang motorsiklo tulad na Honda wave at Susuki shogun na gamit ng mga suspek.