MANILA, Philippines - Kumpleto na ang ebidensiya na maaaring magamit ng gobyerno laban sa itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Ito ang inihayag ni Senator Alan Peter Cayetano kaugnay sa posilidad na bigyan pa rin ng immunity ng Senado si Napoles sa sandaling humarap ito sa imbestigasyon sa Nobyembre 7.
Idinagdag ni Cayetano na hindi siya pabor na bigyan ng immunity si Napoles dahil wala na rin itong magiging silbi.
Magbibigay aniya ng maling senyales sa iba pang whistleblowers kung bibigyan ng immunity si Napoles.
Pero, papayuhan pa rin umano ni Cayetano si Napoles na sabihin ang lahat ng nalalaman nito sa pagharap sa Senado upang magkaroon ito ng katahimikan.
Hindi dapat humingi ng immunity si Napoles kapalit ng kanyang sasaÂbihin sa imbestigasyon dahil hindi ito magiging maganda para sa imahe ng Senado.