Electrician nakuryente sa mall

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa Quirino Memorial Medical Center ang 30-anyos na si Ryan Guitering, isang electrician  matapos na aksidenteng makuryente habang gumagawa sa isang mall sa  Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi habang nagkakabit ng wiring ang biktima sa 7th floor ng Gateway Mall nang aksidenteng mahawakan nito ang isang live wire at nakuryente.

Bumagsak ang biktima at magtamo ito ng pinsala sa katawan.

Show comments