PNP official utas sa tandem
MANILA, Philippines - Utas ang isang opisÂyal ng Philippine National Police (PNP) matapos tambangan ng hindi nakikilaÂlang suspek na riding-in-tandem na naganap sa Hazer Street, Barangay Pansol, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Police Chief InsÂpector Romeo Ricalde Jr., hepe ng Special Operations Unit ng Northern Police District (SOU-NPD).
Ayon sa report, pauwi na sana ang biktima lulan ng kanyang sasakyan na Sports Utility Vehicle (SUV) na may plakang NLI-902 nang paulanan ng bala ng baril ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Sinabi ni Bernadette, asawa ng biktima, maraÂming natatanggap na death threats ang kanyang mister mula sa mga taong nasasagasaan ng kanyang trabaho bilang pinuno ng SOU-NPD.
Ani Bernadette, mayroon ding kapwa pulis ang kagalit ng asawa na naiinggit umano sa kanyang trabaho.
Narekober ng mga imbestigador ang iba’t ibang basyo ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril at maging ang M-14 armalite na posibleng pag-aari ng biktima.
Sa ngayon ay nagsaÂsagawa ng masusing imÂbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang tunay na motibo ng krimen.
Lahat ng anggulong na maaring ikalutas ng krimen at ikadarakip ng mga salarin ay tinututukan ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police District.
- Latest