SAN FELIPE, Zambales, Philippines - – Isang most wanted person sa bayang ito ang nadakip ng mga otoridad.
Ang suspek ay kinilalang si Roy Benzon, 51, ng Barangay San Jose, Castillejos, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Olongapo City Judge Avelino Lazo ng RTC Branch 75 noong November 22, 2001 sa kasong robbery with homicide.


Ayon sa record ng puÂlisÂya, October 2, 1998 nang mapatay ng suspek matapos na pagnakawan ang biktimang si Teodoro Morales Albino ng Sitio Mapanao, Barangay Asinan Proper, Subic, Zambales.
Patuloy pang piÂnaghahanap ang dalawang kasama ni Benzon.