Chop-chop lady nakita sa QC

MANILA, Philippines - Isang chop-chop lady ang natagpuan sa Payatas, Quezon City kahapon ng  madaling araw.

Ayon kay SPO1 Alejandro Camacho, Quezon City Police District Station 6, natagpuan ang bangkay ng hindi pa kilalang babae sa Group 6, Payatas B, QC dakong alas-5:00 ng madaling araw na nakasilid sa loob ng isang sako.

Sinabi ni Camacho, natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang Ethel Misperos malapit sa tambakan ng basura.

Hinihinalang sa ibang lugar pinatay ang biktima at doon lamang itinapon ang bangkay nito para iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Patuloy namang binubusisi ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa biktima.

Show comments