Brgy. Chairman, 2 pa inambus

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang barangay chairman at dalawa nitong kasama ng tatlong lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa Calasiao, Pangasinan kahapon.

Nasugatan sina Brgy.Longos chairman Majadiva Mesina at  kasama habang ang pangatlo nilang kasama ay nasawi.

Batay sa ulat, bandang alas-11:50 ng tanghali ay lulan ng Toyota Grandia Hi-Ace van ang biktima at pagdating sa kahabaan ng Poblacion East, Calasiao ay biglang sumulpot ang tatlong suspek na magkakaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang behikulong sinasakyan ng mga biktima.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitikang pambarangay ang motibo ng pananambang.

Show comments