Mag-utol na magkalaban sa pagka-chairman nag-away

MANILA, Philippines - Kapwa nagharap ng reklamo sa pulisya ang isang magkapatid na magkalaban sa pagiging lider ng kanilang barangay sa Caloocan City sa nalalapit na halalan kamakalawa ng gabi.

Sa reklamo ni barangay kagawad Maria Cruz, 42, na tatakbong barangay chairwoman na ang bahay nila ay nilusob ng kanyang kapatid na si incumbent Barangay 79 Chairman Manuel Cruz, kasama ang tauhan nitong si Jerry Reyes, 41, ng Lapu-Lapu St. at pinagbabato ang kanilang bahay matapos na malaman na magkalaban sila sa eleksyon.

Humingi ng tulong si Maria sa mga pulis at nang respondehan ay nadakip si Reyes at nakuha dito ang isang kalibre .45 na walang papeles na naging dahilan  para sampahan ito ng kasong illegal possession of firearm at paglabag sa omnibus election code.

Show comments