^

Police Metro

17 pa iniimbestigahan… 13 Pulis sinibak sa ‘pagdoktor’ ng crime report

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinibak sa kanilang puwesto ang 13 pulis na kinabibilangang isang provincial director  matapos na masangkot sa pandodoktor ng crime report.

Ito ang inihayag kaha­pon ni PNP Chief Director General Alan Purisima habang nasa 17 pang police commanders sa rehiyon ang sumasa­ilalim sa pre-charge investigation sa kaparehong pagkaka­sala.

Ang mga ipinasisibak na opisyal ay sina Sr. Supt. Pedroto Escarilla, Provincial Director ng Aklan Provincial Police Office (PPO); Sr. Elberto Pudadero, ng Sta. Barbara Police sa Iloilo; Supt. David Cachumbo Jr, Chief of Police ng Bago City, Negros Occidental; Sr. Inspector Anthony Grande, hepe ng Pulupandan Police, Supt. Calixto Mabugat, Chief of Police ng Kabankalan City, Supt. Rosauro Francisco Jr., hepe ng Silay City Police; pawang sa lalawigan ng Negros Occidental; Sr. Inspector Ahlie Extember, hepe ng Jordan Police sa Guimaras; Chief Inspector Norby Escobar, hepe ng San Jose de Buenavista, Antique; Inspector Frankie Gatila, hepe ng Libertyas Police sa Antique; habang mula naman sa lalawigan ng Aklan ay sina Supt. John Limwell Villafranca, hepe ng Kalibo Police, Sr. Ins­pector Ricky Bontogon, hepe ng Ibajay Police at Sr. Insp Francisco Balais, hepe ng Buruanga Police at Sr. Inspector Joefer Cabural, Station Commander ng Boracay Tourist Action Center.

Pinagpapaliwanag din ni Purisima si Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., kung bakit hindi nasusunod ang mahigpit na direktiba ng PNP National Headquarters na dapat ay makatotohanan lamang ang report  sa mga crime data.

Natuklasan ang ilang pando-doktor ng crime statistics ng mga comman­der ng pulisya sa isinagawang pag-audit ni PNP Directorate for Investigation and Detective Mana­gement (DIDM) Chief P/Director Francisco Don Montenegro.

Ang audit ay isinaga­wa ng 8 man DIDM team mula Setyembre 9-20 ng taong ito kung saan ay isi­nagawa ang pag-iinspeksyon at pang-validate ng mga police blotters sa may 27 police stations mula sa anim na Po­lice Provincial Offices at dalawang City Police Office na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng PRO 6.

Nadiskubre ng 8 man DIDM team na nasa 6,800 insidente ng mga krimen at nasa 41.6% ang hindi naiireport sa PRO 6 pa­tu­ngo sa DIDM bago isu­mite sa Camp Crame.

 

AGRIMERO CRUZ JR.

AKLAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

BAGO CITY

BARBARA POLICE

CHIEF OF POLICE

HEPE

NEGROS OCCIDENTAL

POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with