Mag-asawang Napoles pinahaharap sa kasong tax evasion

MANILA, Philippines - Ipinahaharap ng Department of Justice   si Janet Lim  Napoles, ang itinuturong reyna ng pork barrel scam at  mister nitong si Jaime  na retiradong military officer na humarap sa gagawing pagdinig sa kasong tax evasion na isinampa ng BIR.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela, mi­yembro ng  lupon, na ang pagdinig ay gaganapin sa October 21 at November 5, alas-2:00 ng hapon.

Ayon sa BIR, aabot sa P44.68 milyon ang tax liability ni Janet habang ang kanya namang asawa ay P16.43 milyon. 

Nag-ugat ang reklamo dahil sa kabiguan ng mag-asawang Napoles na magbayad ng tamang buwis para sa taong 2004, 2006, 2008, 2009, 2010, 2011 at 2012.

Show comments