Driver natagpuang patay sa taxi

MANILA, Philippines - Sa loob ng minamanehong taxi natagpuang patay ang driver na si Daniel Atis, ng Padilla Street, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City at may tama ng bala sa ulo kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang matagpuan ng mga barangay tanod ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang minamanehong taxi na may plakang UYA-214 na nakaparada sa C-5 Extension, Brgy. Pulang Lupa Uno, ng naturang lungsod.

May posibilidad na hindi panghoholdap ang motibo ng krimen dahil sa narekober ang pitaka ng biktima na may laman pang P2,100 at kanyang lisensya.

 

Show comments