MANILA, Philippines -Hindi na nakalabas ng buhay ang dalawang katao matapos na masunog ang tinutuluyang apartment kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Nagmistulang uling nang marekober ang bangkay ng dalawang biktima na nakilalang sina Danilo Deloviar, 60 at Grace Quintanar, 35, matapos na ma-trap sa loob ng kanilang tinitirhan.
Batay sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang sunog sa 7 apartment sa Barangay West Rembo.
Sa inisyal na imÂbestigasyon, lumalabas na nagsimula ang sunog sa second floor ng apartment na pag-aari ni Deloviar na mabilis kumalat ang apoy sa mga katabi nitong apartment na pag-aari naman ni Quintanar.
Umabot ng halos mahigit sa tatlong oras bago naideklarang fireout na kung saan ay tinatayang aabot sa P200,000.00 halaga ng mga ari-arian ang naabo.
Hinihinalang illegal electrical connection ang sanhi ng sunog.