Barilan: parak, karnaper napatay
MANILA, Philippines -Napatay sa isang anti-carÂnapping operation ang isang pulis na miyembro ng Highway Patrol Group at isang hinihinalang karnaper habang lima pa ang sugatan sa naganap na barilan kamakalawa ng gabi sa isang compound sa Muntinlupa City.
Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng MunÂtinlupa ang biktimang si SPO1 Macario Romano, dahil sa mga tama ng bala sa katawan at nasawi habang ginagamot sa Alabang Medical Clinic ang pinaghihinalaang karnaper na si Michael Maranan, alyas Jordan, 33-anyos, ng Fabian Compound, Alabang ng naturang lungsod.
Ang mga nasugatan ay kinilalang sina SPO1 Aniceto Santiago ng HPG, PO3 Mersan Rapirap ng Muntinlupa police station at tatlong sibilyan na sina Aileen Duran, 30; Anna Loraine Maranan, 28; at ang 10-anyos na si Heart Macapagal, pawang mga nakatira sa Fabian Compound.
Batay sa ulat ng Muntinlupa Police, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang barilan matapos magsagawa ng anti-carnapping operation ang HPG laban kay Maranan sa naturang compound.
Nabatid na nakatakdang arestuhin si Maranan ng mga tauhan ng HPG nang pumaÂlag umano ito at makipagbarilan sa mga pulis.
Dito ay dumating ang pulis na si PO3 Rapirap na nakatira rin sa naturang comÂpound at pinagbabaril ang mga tauhan ng HPG.
Gumanti naman ang mga tauhan ng HPG at tinamaan si PO3 Rapirap habang tinaÂmaÂan ng ligaw na bala ang mga sibilÂyan na nakatira sa compound.
Ikinatwiran ni PO3 Rapirap na inakala niyang mga kriminal ang mga tauhan ng HPG na namamaril sa tinitirhang compound kaya niya pinagbabaril ang mga ito kaya’t isasailalim ito sa masusing imbestigasyon sa posibleng may kaugnayan ito sa operasyon ni Maranan na kasama niya sa nasabing compound.
- Latest