MANILA, Philippines -Tatlong katao ang naÂiulat na nasawi habang nasa 100 naman ang naÂdala sa ospital matapos na magkasakit ng leptosÂpirosis sa Olongapo City.
Kinilala ang mga naÂsawing sina Frederick Pascua 20, ng Subic; Barry Mendoza, 23, ng Sta. Rita; Jesus Bautista, 56 ng Barangay Kababae.
Ayon kay Olongapo City Mayor Rolen PauÂlino, dalawang lingÂgo makalipas ang pinakamaÂpinsalang pagbaha sa lungÂsod na ito dulot ng naÂganap na habagat na dala ng bagyong “Odette,†ay nagkasakit ng leptosÂpirosis ang mga tao dito.
Ang leptospirosis ay isang uri ng bakterya na nagÂmumula sa ihi ng mga daga at nakakapasok sa katawan ng tao sa paÂmamagitan ng mga suÂgat kapag ang tao ay luÂmublob sa tubig-baha na kontaminado ng bakterya.
Ang sintomas ng taong may leptospirosis ay ang paghina at pagkonti ng ihi, pananakit ng balakang at kasu-kasuan, paninilaw o pamumula ng mata.