MANILA, Philippines - Hindi na pinayagan ng Indonesian Communications Ministry na mag-coÂver sa APEC ang tatlo sa siyam na Hong Kong journalist na nambastos kay Pangulong Benigno Aquino lll sa 23rd APEC summit sa Bali, IndoneÂsia.
“We deemed it improÂper for media to act that way, as they didn’t talk normally but they were very demonstrative, like they were protesting,†wika ni Gatot Dewa Broto ng Indonesian communications ministry official na in charge sa APEC media center sa Bali.
Ayon pa sa opisyal, security threat sa Pangulo ng Pilipinas ang mga HK journalists na bumastos dito kaya hindi na nila pinayagang mag-cover ng APEC.
Aniya, ang press badÂges ng mga HK journalists na sumigaw at nambastos kay Pangulong Aquino ay na-deactivate ng Communications Ministry.
Pinayagan pa din ang mga HK reporters na maÂnatili sa Bali, subalit hindi na sila pinayagang magtuÂngo sa media center at mag-cover ng APEC summit.
Nag-ugat ito sa ginaÂwang pagbastos na pagtaÂtanong ng mga HK journalists kay P-Noy ukol sa nasawing 8 HK tourists sa Manila hostage crisis.
Pilit ding tinatanong ng mga HK reporters kay Aquino kung hihingi ba ito ng apology kay HK leader Leung Chun-ying na dumalo sa APEC dahil sa pagkasawi ng mga HK tourists sa Manila hostage incident.
Iginiit naman ni Sham Yee-lan, chairwoman ng Hong Kong Journalists’ Association na ginawa lamang ng mga HK reporÂters ang kanilang trabaho at ang pag-ban sa 9 na HK reporters sa APEC ay maliwanag na paglabag sa press freedom.
Pero, iginiit ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang na lumabag sa ethical boundary ang mga HK reporters.