Tandem strike again

MANILA, Philippines - Strike again ang grupo ng riding-in-tandem, kung saan ay isang pedicab driver ang kanilang pinagbabaril at agad na nasawi sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the spot ang biktimang si Arnesto San Juan, 32, taga Barangay San Roque, Navotas City.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis upang madakip ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa Naval Extension St., Barangay  Baritan Malabon City.

Habang nakaupo ang biktima sa naturang lugar ay biglang dumating ang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Hindi pa batid ng  pulis­ya ang motibo ng krimen.

 

Show comments