MANILA, Philippines -Nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya at pinasabugan ng bomba ang gate ng mansion ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari sa ZamÂboanga City kahapon ng madaling-araw.
Ang pagpapasabog sa gate ni Misuari ay kasunod ng ipinalabas na warrant of arrest ng korte sa kasong rebelyon laban kay Misuari at 83 pa nitong kasamahan kaugnay ng halos 3 linggong siege sa ZamÂboanga City.
Sinabi ni PRO 9 Spokesman Chief InsÂpector Ariel Huesca, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang isaÂgawa ng mga otoridad ang raid sa bahay ni MiÂsuari sa Brgy. San Roque ng lungsod.
“Kumakatok kami dun sa concrete gate ng bahay ni Misuari to serve the warrant of arrest against him, walang sumasagot at wala ring nagbubukas so we decided to apply explosivesâ€, pahayag ni Huesca.
Nitong Huwebes ng hapon ay sinampahan na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 9 sa Zamboanga City ProÂsecutors Office ng kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 o ang krimen laban sa International humanitarian law, genocide at iba pa si Misuari.
Sa nasabing raid ay nabigong natagpuan sa loob ng kaniyang mansion si Misuari habang nakasamsam ang mga otoridad ng iba’t ibang eksplosibo sa bahay nito.
Inihayag pa ng opisyal na si Misuari ang ikalimang batch sa grupo ng mga opisyal at miyembro ng MNLF na sinampahan ng kasong kriminal kaugnay ng gulong nilikha sa Zamboanga City na ikinasawi ng 24 security forces habang 194 naman ang nasugatan. Umaabot naman sa 192 MNLF fighters ang napaslang habang 254 ang sumuko at naaresto.