MANILA, Philippines - Patay ang isang seÂcurity guard at isang holdaper sa panghoholdap na naganap sa isang kilalang fastfood chain sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang napatay na guwardiya na si Jericho Belarmino habang ang holdaper ay si Dan Anthony Contado, residente ng Zapote St., Caloocan City.
Sa imbestigasyon ng Marikina City Police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa General Ordonez corner B.B Avenue, Bayan-bayaÂnan, Barangay Concepcion Uno sa lungsod.
Ayon sa report, nagpanggap umanong kostumer ang apat na holdaper at nang makapasok sa loob ay saka dinisarmahan si Belarmino at kaagad na kinuha ang pera sa kahera.
Nagawa naman ni Belarmino na makahiram ng baril mula sa guwardiya ng katabing convenience store at hinabol ang mga papatakas na suspek.
Naaktuhan naman ng Special Reaction Unit ng Marikina Police ang insidente at napatay sa engkuwentro ang isa sa mga suspek.
Minalas namang taÂmaan ng bala at mapuruÂhan ng mga suspek si Belarmino kaya ito nalaÂgutan ng hininga at tuluyan nakatakas ang tatlong pang holdaper na sinasabing nang-agaw ng isang taxi (UJO-644), na malaunan ay inabandona rin ng mga ito sa bahagi ng East Drive sa lungsod.
Narekober mula sa loob taxi ang isang baliÂsong at magasin ng baril na kalibre .45 pistola.
Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang mga nakatakas na suspek habang inaalam pa kung magkano ang natangay nilang pera.