MANILA, Philippines -Pag-aralan ang posibleng paglalabas ng pabuya para sa ikaaaresto nina MNLF founding chairman Nur Misuari at Commander Ustadz Habier Malik.
Ito ang hiniling ni PaÂngulong Benigno Aquino III sa kanyang mga legal adviser ito ay kahit na wala pa ring kasong naisasampa laban sa mga ito sa ginawang pag-atake sa Zamboanga City.
Nais masiguro ng PaÂngulo na hindi lalabag sa batas ang paglalabas ng pabuya laban kay Misuari.
Inatasan rin ni PaÂngulong Aquino si Justice Sec. Leila de Lima para pangasiwaan ang imÂbestigasyon sa Zamboanga attack na kailangan bago magsampa ng kaso sa mga rebelde.
Ayon sa Pangulo, kiÂnakausap na ng DOJ team ang mga testigo at ang mga nahuling rebelde para mapalakas ang kasong isasampa ng gobyerno laban sa grupo ni Misuari.
Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulo na inilipat na ng AFP sa PNP ang pangunguna sa clearing operation sa Zamboanga City. Patunay daw ito na unti-unti nang nagbabalik-normal ang sitwasyon sa lungsod.