^

Police Metro

Reward money vs Misuari at Malik

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pag-aralan ang posibleng paglalabas ng pabuya para sa ikaaaresto nina MNLF founding chairman Nur Misuari at Commander Ustadz Habier Malik.

Ito ang hiniling ni Pa­ngulong Benigno Aquino III sa kanyang mga legal adviser ito ay  kahit na wala pa ring kasong naisasampa laban sa mga ito sa ginawang pag-atake sa Zamboanga City.

Nais masiguro ng Pa­ngulo na hindi lalabag sa batas ang paglalabas ng pabuya laban kay Misuari.

Inatasan rin ni Pa­ngulong Aquino si Justice Sec. Leila de Lima para pangasiwaan ang im­bestigasyon sa Zamboanga attack na kailangan bago magsampa ng kaso sa mga rebelde.

Ayon sa Pangulo, ki­nakausap na ng DOJ team ang mga testigo at ang mga nahuling rebelde para mapalakas ang kasong isasampa ng gobyerno laban sa grupo ni Misuari.

Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulo na inilipat na ng AFP sa PNP ang pangunguna sa clearing operation sa Zamboanga City. Patunay daw ito na unti-unti nang nagbabalik-normal ang sitwasyon sa lungsod.

AQUINO

AYON

BENIGNO AQUINO

COMMANDER USTADZ HABIER MALIK

JUSTICE SEC

MISUARI

NUR MISUARI

PANGULO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with