Junk foods ipagbabawal sa mga iskul

MANILA, Philippines -Naghain ng ordinansa sina 1st District Councilor Rovin Feliciano at Sangguniang Kabataan President Councilor Cris Feliciano  na nagbabawal sa pagtitinda at pagkain ng junk foods sa mga eskwelahan sa Valenzuela City.

Ang hakbang ay base sa isinagawang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), na ang National Capital Region (NCR) ang may pi­na­kamataas na bilang ng mga kabataang nasa pagitan ng 10 hanggang 19-anyos ang may proble­ma sa kalusu­gan.

Napag-alaman na mas madaling makabili ng junk foods sa mga paaralan sa Metro Manila kung ka­ya’t mas marami sa mga es­tud­yante dito ay malnu­trition.

Nakasaad sa ordinansa, gagawa  rin ang mga ito ng listahan ng mga masusustansiyang pagkain na siya namang irerekomendang dapat na kainin ng mga mag-aaral, na ipapaskil sa loob at labas ng mga eskwelahan.

Show comments