^

Police Metro

‘Million People March 2’ sa Makati may permit na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -May permit na para sa “Million People March 2” na gaganapin sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas sa darating na Oktubre 4 matapos na mag­bigay ang pamahalaang lungsod ng Makati.

Ayon kay Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban na ini­hahanda na nila ang paglalatag ng seguri­dad para sa naturang ma­la­king pagtitipon kontra sa “pork barrel” ng Ma­lacañang at ng mga mam­babatas.

Kabilang rito ang pagtatalaga ng mga tauhan sa mga istratehikong lugar, pagsasara ng mga kalsada, at paglikha ng “traffic re-routing scheme” para naman sa mga maaapektuhang mga motorista.  Nakikipag-ugnayan umano sila ngayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) upang magdagdag ng mga tauhan sa lugar lalo na at hanggang gabi ang okasyon.

Mag-uumpisa ang pagkilos dakong alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi sa darating na Biyernes na  itiniyempo sa weekend at sa oras ng uwian ang pagtitipon upang mahikayat ang mga empleyado sa Makati Business District na ma­kilahok sa kilos-protesta at madinig rin ang ka­ni­lang mga boses.

Hinikayat rin ng mga organizer ang mga maya­yamang negosyante at pamilyang naninirahan sa Makati City na sawa na sa maruming sistema ng pamahalaan para ma­kilahok.

Nilinaw naman ng mga organizer na bawal sa pagtitipon ang pag-epal ng mga politiko na makikisakay sa ipinag­lalaban kontra sa “pork barrel”.

AYALA AVENUE

MAKATI BUSINESS DISTRICT

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MANUEL LUKBAN

MILLION PEOPLE MARCH

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with