2 Kelot sinalvage sa QC

MANILA, Philippines - Tadtad ng mga bala sa katawan ang tinamo ng dalawang hindi pa kila­lang lalaki na biktima ng salvage na natagpuang kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Isa sa biktima ay inila­rawan na nasa pagitan ng edad na 50-55, may taas na 5’2”, balingkinitan ang pangangatawan, kayumangi, at nakasuot ng kulay puting t-shirt at asul na maong pants. May tattoo rin ito sa kanang braso ng SAKURAGIC, numerong “32” sa kaliwa, at “LA” sa likuran.

Ang ikalawa ay tinatayang nasa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’1”, katamtaman ang pangangatawan, kayumangi, nakasuot ng kulay pulang t-shirt at kulay brown na maong pants.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang mga bangkay sa kahabaan ng Zamboanga St., kanto ng Rizal Sandakot, Payatas B, sa lungsod.

 

Show comments