MANILA, Philippines - Mula sa Luneta ay sa Ayala, Makati naman dadalhin ng mga organizers ang pangalawang salvo ng “Million People March†kontra sa “Pork Barrel†ng mga mambabatas sa darating na Oktubre 4.
Sinasabing mas magiging malaki ang pagtitipon kaysa sa naÂunang bersyon sa Luneta dahil sa pakikipagsanib-puwersa ng mga organiÂzers ng “EDSA Prayer Rallyâ€.
Nabatid na nagpulong na sina Junep Ocampo at si Peachy Bretaña kasama ang iba pa para sa ikakasang pagkilos.
Nanawagan si BreÂtaña sa taumbayan na muling makiisa sa naturang pagtitipon habang hinikayat ang mga empleyado sa mga opisina sa Ayala Business District na bumaba sa kanilang mga pinapasukang gusali at makiisa sa protesta.
Sa kanyang Facebook profile, ibinulgar naman ni Ocampo na nananatili pa rin ang “Pork Barrel†sa ipinaÂsang P2.268 trilÂyong budget sa 2014, kaya mas lalong dapat paigtingin ang panaÂwagan para tuluyang ibasura na ito.
Uumpisahan ang kilos-protesta dakong alas-3:00 ng hapon ng Biyernes at tatagal hanggang alas-10:00 ng gabi. Itiniyempo umano nila ito sa katapusan ng linggo upang makasali ang mga empleyado sa lungsod.
Pero hindi tulad ng mga nakaraang pagtitipon, sinabi ni Bretaña na meron na ngayong progÂrama kung saan magsasalita ang iba’t ibang lider ng mga grupong sasali sa pagkilos. Nilinaw naman nito na patuloy nilang ipinagbabawal ang pag-“epal†ng mga politiko sa okasyon.