MANILA, Philippines - Hindi na dapat tawaÂging honorable si Senator Jinggoy Estrada dahil sa pagbaba ng moral integrity nito sa kanyang isinagawang privilege speech sa Senado kamakailan.
Ito ang inihayag ni Father Edu Gariguez, executive secreÂtary ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Hindi anya sapat ang ginawa ni Estrada na ‘pagbato ng putik’ sa kanyang mga kapwa
mambabatas na para lamang ‘makatakas’ sa ginaÂwang mali at mistulang
nagÂÂsabing‘kami namang lahat ay gumagawa ng katiwalian.’
Sa nasabi pang speech, lumabas lamang umamin ang senador na hindi nakakiÂtaan ng remorse at pagsisisi at sa halip ay mistulang
ipiÂnamumukha pa nito na parang kalakaran na sa mga mambabatas ang pagÂtanggap ng suhol sa ginawa nitong pambabato ng putik sa mga kapwa mamÂbaÂbatas.
“Ibig sabihin ba sa hindi mo pagtugon dun sa
akuÂsasyon sayo ay siguro sa aking pakahulugan doon ay tinatanggap mo na rin na talagang totoo yung mga paraÂtang sa iyo,†paliwanag ni
Gariguez.
Matatandaang si Estrada ay isa sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder matapos na masangkot sa P10 billion pork barrel scam at sa kanyang privilege speech ay hindi naman ito umamin sa
akusasyon laban sa kanya at sa halip ay kinuwestiyon ang pagdidiin sa kanya sa kaso at pinaratangan pa ang kanyang mga kapwa mambabatas na tumanggap ng suhol na P50 milyong karagdagang pork barrel funds mula
sa Malacañang para tuluyang ma-impeach sa pwesto si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.
– Ludy Bermudo –