^

Police Metro

CBCP – Jinggoy ‘di dapat tawaging “Honorable”

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na dapat tawa­ging honorable si Senator Jinggoy Estrada dahil sa pagbaba ng moral integrity nito sa kanyang isinagawang privilege speech sa Senado kamakailan.

Ito ang inihayag ni Father Edu Gariguez, executive secre­tary ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Hindi anya sapat ang ginawa ni Estrada na ‘pagbato ng putik’ sa kanyang mga kapwa
mambabatas na para lamang ‘makatakas’ sa gina­wang mali at mistulang
nag­­sabing‘kami namang lahat ay gumagawa ng katiwalian.’

Sa nasabi pang speech, lumabas lamang umamin ang senador na hindi nakaki­taan ng remorse at pagsisisi at sa halip ay mistulang
ipi­namumukha pa nito na parang kalakaran na sa mga mambabatas ang pag­tanggap ng suhol sa ginawa nitong pambabato ng putik sa mga kapwa mam­ba­batas.

“Ibig sabihin ba sa hindi mo pagtugon dun sa
aku­sasyon sayo ay siguro sa aking pakahulugan doon ay tinatanggap mo na rin na talagang totoo yung mga para­tang sa iyo,” paliwanag ni
Gariguez.

Matatandaang si Estrada ay isa sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder matapos na masangkot sa P10 billion pork barrel scam at sa kanyang  privilege speech ay hindi naman ito umamin sa
akusasyon laban sa kanya at sa halip ay kinuwestiyon ang pagdidiin sa kanya sa kaso at pinaratangan pa ang kanyang mga kapwa mambabatas na tumanggap ng suhol na P50 milyong karagdagang pork barrel funds mula
sa Malacañang para tuluyang ma-impeach sa pwesto si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

– Ludy Bermudo –

 

vuukle comment

CATHOLIC BISHOPS

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

FATHER EDU GARIGUEZ

LUDY BERMUDO

NATIONAL SECRETARIAT

SENATOR JINGGOY

SHY

SOCIAL ACTION JUSTICE AND PEACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with