Mister inaway ng misis, nagpakamatay
MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagsaksak sa sarili ang isang mister dahil sa sobrang sama ng loob matapos na sila ay mag-away ng kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Ang biktima na idiÂnekÂÂlarang dead-on-arrival sa San Juan De Dios Hospital dahil sa saksak sa dibdib ay nakilalang si Jonard Laurel, 35, factory worker, ng Vizcarra St., Malibay.
Bago naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa loob ng bahay ay nagkaroon muna ng away ang biktima at ang misis na si Rehilda, 34 sa hindi binanggit na kadahilanan.
Matapos ang matinÂding away ay kumuha ng patalim ang biktima at sinaksak nito ang kanyang sarili.
- Latest