Mister itinumba ng pinsan

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y matagal ng alitan kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang mister ng kanyang pinsan sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Navotas Lying-in Clinic sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Mark Anthony Delgado, 29, nakatira sa F. Pascual St., Wawa, Barangay Tangos ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Renato Ochoa, 45, ng nasabing lugar at pinsan ng nasawi. Sa pagsisiyasat ng Navotas City Police, na­ba­tid na ang insidente ay naganap dakong alas-7:00 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Sinasabing may matagal ng alitan ang dalawa na siyang ugat ng krimen.

 

Show comments