Mosque sa Baclaran giniba

MANILA, Philippines -Ipinagiba ng may-ari sa pribadong “demolition team” ang Muslim Mosque sa Baclaran, Pasay City kahapon ng ma­da­ling-araw.

Galit na sumugod ang mga Muslim na dating residente ng Muslim community sa lupain na nasa Roxas Blvd., sa hangganan ng Pasay at Parañaque City. 

Ayon sa isang nagpaki­lalang Imam Abdul Kair Guiling, hindi umano ka­sama sa kanilang ka­sun­duan sa pribadong may-ari ng lupa na kasamang gibain ang kanilang Mosque.

Nagbigay naman ng seguridad sa demolition team ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics unit at iba pang unit ng Pasay City Police.

Show comments