MANILA, Philippines -Patung-patong na kaso ang isinampa sa Department of Justice ng Task Force Kae laban sa 6 suspek sa brutal na pamamaslang sa advertising executive na si Kae Davantes.
Dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang isampa ang mga kasong robbery with homicide, at qualified carnapping sa mga suspek na sina Samuel Decimo, Reggie “Jojo†Diel, Lloyd Benedict Enriquez at sa mga nakakalayang suspek na sina Jomar Pepito, Baser Minalang at Kelvin “Joric†Evangelista.
Tinanggap ni ProÂsecutor Atty. Omar Casino, ng National ProÂsecution Service, ang mga isinampang kaso kahit na dis-oras ng gabi upang maiwasan na makasuhan ng illegal detention ang pulisya at NBI.
Tumayong complainant naman sa kanilang isinampang kaso ang tiyuhin ni Kae na si Vincent Davantes na siya rin tumayong bilang guardian ng biktima.
Inimbitahan naman ni TF Kae head, Chief Supt. Christopher Laxa ang NBI para sa isasagawang “case conference†sa kaso upang mapag-isa nila ang kanilang mga detalye at ebidensya upang lalong mapalakas ang kaso laban sa mga suspek.