MANILA, Philippines - Isang pick-up girl o pokpok ang hubo’t hubad na pinatay sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato sa kanyang ulo na ika-anim na biktiÂma ng isang gumagalang serial killer sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.
Sabog ang mukha at ulo ng biktima na nakilaÂlang si Shiela Halili, 28, nakatira sa Casa Novela Inn sa D. Jose St., AveniÂda, Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala naman ang suspek na alias ‘Michael’, may taas na 5’6, tinataÂyang may edad sa pagitan na 35-40 at matipuno ang pangangatawan na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide section, dakong alas-2:50 ng madaling-araw nang matagpuang walang buhay ang biktima sa loob ng banyo ng Room 15 ng Carport Inn sa Fuguso Lope De Vega St., Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Mario Fabillar, roomboy ng nasabing motel, kinatok ang kuwarto ng biktima matapos ang tatlong oras na pagrenta sa kuwarto subalit walang sumasagot dahilan upang gamitan ng duplicate key kung saan natagpuang duguang nakahandusay ang hubo’t-hubad na biktima sa loob ng banyo.
Sinabi ng Vallejo, nag-check in ang biktima kaÂsama ang isang lalaki na nagpakilalang Michael dakong alas-11:50 ng hatinggabi, gayunman hindi napansin ng pamunuan ng motel ang paglabas ng suspek at naiwan ang biktima sa loob.
Narekober sa tabi ng biktima ang isang bato na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima. Sa rekord ng MPD ay pang-anim na ang biktima na pinatay ng suspek sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato sa kanilang ulo.
“Iisa ang pattern ng pagpatay na iniiwan sa loob ng motel na posiÂbÂleng kagagawan lang ng isang tao na serial killer na galit sa mga pokpok †ayon kay Vallejo.
Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral Homes para sa safekeeÂping at awtopsiya.