Bus sa Zambo binomba: 3 todas
MANILA, Philippines - Tatlo ang nasawi nang sumabog ang isang bus na kararating lamang sa kanilang terminal sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga naÂsawing sina Meliton Orquijo, 57, konduktor ng bus; Hudson Guinilac, 21 at Alison Saavedra, 19; kapwa bus washer.
Nasugatan naman si Doming de Jesus, 63 anyos, driver ng D ‘Biel Transit bus na may body number 2871 na bumibiÂyahe sa Zamboanga City patungong Labuan.
Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi ay kararating lamang ng nasabing bus sa garahe nito sa terminal nang biglang sumabog ang bomba.
Isang improvised explosive device (IED) ang nabatid na inilagay sa loob ng bag na inabandona sa ikatlong upuan mula sa puwesto ng bus driver.
Sa lakas ng pagsabog ay nasapul ang tatlong biktima na agad binawian ng buhay sa insidente.
Natanggal ang bubong ng bus na ikinapinsala rin ng iba pang bus sa garahe.
Iniimbestigahan ngaÂyon ng mga otoridad ang posibilidad na bahagi ng ‘diversionary tactics’ ng rogue Moro National Liberation Front (MNLF) ang pagsabog ng isang bus.
Idinagdag pa ng pulisya na lahat ng anggulo ay iniimbestigahan nila kabilang rin ang extortion.
- Latest